My Marlon Stockinger

My Marlon Stockinger

Miyerkules, Disyembre 28, 2011

Best Hilarious Viral Video of 2011

Number 3: Supreme Court Spokesman Midas Marquez (Midas Touch)



Number 2: Sen Lito Lapid "Fourplets"



Number 1: Mommy Dionesia Pacquiao "Malaswa"

Biyernes, Disyembre 23, 2011

Merry Christmas!

Merry Christmas Everyone! 


My gift for you is Vangie... The Pinoy version of Siri.. iPhone 4s! hahaha.. have a great Holiday!







Lunes, Disyembre 19, 2011

Party Boy? Do you Know How To Party?




Isang 'tweet' na pinakawalan nang aktres na si Valerie Concepcion (@V_Concepcion) ang nagpa-init sa 'timeline' ko sa Twitter kagabi.


Ayun sa 'tweet'.. ang aktres ay naimbitahan sa selebrasyun nang Christmas Party ng Presidential Security Group (PSG) na isinagawa sa Palasyo ng Malakanyang. Kung babasahin mo ang 'tweet', walang malisya itong pinost sa Twitter. The actress was clearly overwhelmed by the event.. and probably she was pleased to see PNoy laughing at her jokes and enjoying her performance. (Concepcion eventually deleted her tweet and apologized the next day to those who were offended)

Ang problema, habang nagluluksa ang karamihan sa nangyari sa Mindanao, particularly sa Cagayan de Oro and Iligan, nang dahil sa Bagyong Sendong...  nakuha pa pala nang Presidente na maki 'PARTY' at makisaya sa kanyang mga taga protektang PSG.



Pero, alam ba natin ang tunay na pangyayari sa Malakanyang? Porke ba may salitang "PARTY" ay nangangahulugan na ba itong 'insensitive' ang Pangulo? Nandun ba siya para maki-tagayan sa kanyang mga security? Tumagal ba siya hanggang halos hindi na makatayo sa kalasingan? How some people are so QUICK to JUDGE! Without even knowing what really happened.

Naglabas na ang Palasyo nang paliwanang ukol dito. Ayun kay Sec. Coloma, Ang PSG Christmas Party ay tumagal lamang nang dalawang oras. At si PNoy ay dumaan lang para bumati at pagbigyan ang imbitasyun nang kanyang mga taga bantay.. at nanatili nang halos kalahating oras lamang. If that's what you call "PARTYING".. then, you don't know HOW TO PARTY yourself!

A week before Christmas are usually the Party People favorite time of the year! How many parties were simultaneously held that night with that of PSG's? How many of us partied? Are we 'insensitive' as well?

How about Manny Pacquiao's Birthday celebration? Why no one questioned that? The boxer is actually from Mindanao! He even raffled out 2 million pesos in cash and a brand new car! Was that INSENSITIVE too?

Common people... REALITY CHECK!

Huwebes, Disyembre 15, 2011

Kultura - Kurapsyon



Mula pagkabata, naalala ko pa ang sinabi nang nanay ko na pumunta sa mga ninang at ninong ko para mamasko.. at sa aking pag-uwi ay madalas tinatanung ako nang lahat sa bahay kung ano at magkano ang nai-uwi ko.. madalas may mga kumento tulad nang “kuripot naman”..”mura lang yan”.. yan lang.. at kung ano-ano pa.. hindi ko tuloy maintindihan kung ano ba talaga ang kahulugan nang pasko at bakit kailangan akung mamasko..

Ngayon may edad na ako, doon ko lang naisip kung bakit..
Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming tao ang nagiging materyalestik .. ito marahil ang dahilan kung bakit ang kurapsyon ay laganap ngayon sa lipunan...

Kadalasan sa karamihan nang mga pamilya, sa oras nang binyagan,  ito ang kadalasan dahilan nang maraming magulang sa pag pili nang ninang at ninong nang mga anak nila. Yung mga mayayaman, may impluwensya sa lipunan, magarbo sa buhay.. ito ang kadalasang una sa listahan.. kaya marami sa atin ang higit sa sampu ang mga ninong at ninang..

Ngayon sa ating lipunan, nandyan na ang talamak na kurapsyon at pagsasamantala nang karamihan nang dahil lamang sa pera at kapangyarihan. araw-araw may makikita kang kurapsyon sa lipunan, mga drivers na umiipit nang 50 pesos sa lesensya sa tuwing mahuhuli sa kalsada, nandyan ang mga naghahanap nang kakilala sa mga tanggapan upang hundi na kailangan pumila, at kung ano-ano pa…



Paano kaya maalis ang kurapsyon sa pilipinas?.. e bahagi na ito nang ating araw-araw na pamumuhay?.. Pinapangunahan pa ito nang marami sa ating mga halal na politiko at kilalang mga personalidad,  kaya kadalasan ay sinusundan nang karamihan? paano nga ba?..

Naalala ko ang isang kumento sa king sinulat sa isa kung blog na mula sa isang dayuhan, isang taga singapore, ito ang sabi niya, “All Filipinos above 5 years old should be eliminated for their country to stop corruption and move anew”… napakabrutal, pero maaring siya ay may punto…
Paano nga ba mawala ang korapsyon sa ating bansa?…
Wala akung maisagot dito.. hindi ko alam.. ang alam ko lang ay mag-uumpisa ito sa akin, sa atin lahat.. sa pagbabago nang ating nakagawian..

Tungo sa pinangako nang ating presidente sa kasalukuyan.. Sa tuwid na daan… 

(first posted in kurokuro.org)

Martes, Disyembre 13, 2011

Mga Kwentong Parlor



Namulat at nag-umpisa ang aking pakikialam sa politika nung ako’y naging isang hairdresser sa isang sikat na salon chain.  Sa araw-araw na pakikisalamuha ko sa aming mga kliyente, natuto ako nang maraming bagay. Iba-iba ang aking nakakasalamuha. Mayrong gusto pag-usapan ang buhay nang may buhay, showbiz, at politika. Natuto akung umalam sa mga issues at magbasa nang kahit anung babasahin para lang may ma-eshare din ako sa aking mga loyal na kliyente. Ayaw ko magmukhang tanga pag may topic silang gusto pag-usapan, habang binobola ko sila para magdagdag nang serbisyo kanilang ipagawa. At kadalasan, ako’y nagtatagumpay. hehe

Hindi ko akalain na ako’y magiging mapagmatyag, pakialamero at usyusero sa mga nangyayari sa lipunan. Madalas hindi ako nagpapahuli sa mga umpukan at debatehan tungkol sa kahit ano pa mang isyung napapanahon. Marami akong na-inganyong mga katrabaho at kaibigan na maniwala at sumang-ayun sa aking mga pananaw at pakikialam. Bilang hairstylist, natuto akung maging magaling na taga analisa sa mga problema nang bayan.

Nawalan ako nang interes sa eleksyon nung nanalo ang isang artista at maraming asawa sa pagkapangulo. Bakit ganito ang resulta? Bakit parang nawala na ang 'moral' na issue sa pagpili natin nang mamumuno nang bansa?.. Marami akung tanung sa aking sarili na magpahanggang ngayon ay nanatiling tanung. Dahil hanggang sa kasalukuyan, marami pa rin ang nananalo sa eleksyon na sangkot sa mga katiwalian. Maaring ito’y mga gawa-gawa lamang nang mga kalaban nila sa politika, pero para sa akin, ang isang naghahangad nang pwesto ay dapat walang bahid nang katiwalian.
Pero bakit maraming nakapwesto sa ngayon na kilalang mga may “kabit”, kilalang sangkot sa “jueteng”, kilalang “magnanakaw”, kilalang "drug lord”, kilalang “smuggler” at kung anu-ano pa?.. Meron tayong naririnig na ipinapatay ang kalaban, binabayarang mga botante, tinatakot, at ang malala, kakuntsaba nang mismong dapat taga bantay nang balota ay kanilang protektor. 

Paano nga naman mananalo ang taong bayan? Kung pera at bala na ang kalaban? Sa ibang bansa, ang isang halal na politiko ay kusang bumibitiw sa katungkulan kung ito ay masangkot sa ano mang katiwalian. May mga iba pa nga na nagpapatiwakal dahil sa kahihiyan. Dito sa ating, pakapalan ang labanan. Na-convict na, ayaw pa rin umamin sa kasalanan.

Sa salon na aking pinasukan nang halos sampung taon, marami akung narinig na kwentuhan at bulong-bulungan tungkol sa ating mga politiko. may mga nasaksihan pa mismo ako na ang isang politiko na may asawa at siya mismo ang nagbayad at sumundo sa kanyang kabit mula sa aming salon. At marami pang iba. Kaming mga hairdressers ay siguro mas maraming alam sa nangyayari sa mundo na ating ginagalawan. May iba pa nga taga media na sa salon kumukuha nang kanyang ibabalita bilang isang “blind-item” para sa kanyang programa. Kung gusto niyo nang balita, tumambay lang sa mga salon at siguradong marami kayong masasaksihan. Baka talo pa namin ang 'Intellegence' gathering nang gobyerno kung mga 'kabit' lang ang pag-usapan. hahaha

Pero kailan kaya mababago ang paraan nang halalan? Paano kaya tayo makapili nang tamang mamumuno? Kailan kaya tayo makakakita nang totoong “public servant”.. Yung gagawa para sa tao at hindi para sa kanyang ikakayaman?.. Paano tayo aasenso kung wala naman tayo halos pagpipilian? Puro sila na lang, ilang dekada na ang karamihan sa kanilang panunungkulan, subalit yun at yun pa rin ang nilalatag na programa, problema at sulusyon sa tuwing halalan? Dahil sa kung tinupad lang nila ang pangako sa bayan, sa tagal nila sa pwesto, sana’y maayos at asensado na ang kanilang mga kinabibilangan.
Hay, naku, nakakapagod din kung minsan at lumaban sa kamalian. kaya siguro tayo ay sawang-sawa na sa paulit-ulit lang na pangakuan at bulahan sa tuwing araw ng kampanya. Kaya sana tayo ay maging responsable sa pagpili nang tamang tao na manunungkulan. Alisin sa listahan ang may mga kerida, dahil kung sa asawa nga nila sila ay hindi tapat, paano pa sa bayan? Alisin ang sangkot sa iligal na sugal at baka pera pa nang bayan ang ipangsusugal. Alisin ang naghari-harian, dahil tayo ang dapat na ituring niyang mga hari at sila ang ating mga taga-silbi. At higit sa lahat, piliin ang may takot sa Diyos, dahil lahat nang itong mga maling gawain ay sigurado katatakutan din niyang gawin. Pero mag-ingat sa mapagkunwari… yung mga lumuluhod pa sa simbahan, nangungumunyun at nagsisimba.. hindi lahat sa kanila ay matuwid.. mas marami ang mga huwad! Piliin ang ginagawa sa kanyang pamumuhay ang pagiging tapat, makatao at maka-Diyos.

Harinawa’y tayo ay pagpalain nang maykapal na sa darating pang mga halalan, tayo ay magwawagi na rin. At maramdaman natin na itong mga ating inupo sa pwesto, ay tumayo para tayo ay pagsilbihan.

Hanggang sa muling halalan, at pagsisilbihan ko pa ang kabit ni congresman. Sayang ang ‘Tip” kaibigan…. 

(first posted on kurokuro.org)

Lunes, Disyembre 5, 2011

PNoy: People's President



Sa katatapos lang na 1st National Criminal Justice Summit na ginanap sa Manila Hotel, isang talumpati na lumikha nang alingasngas sa bansa ang binitawan ni Pangulong Benigno Aquino III. PNoy's Speech (full text)

Marami ang nagbigay nang opinion at kuro-kuro.. Pero marami rin ang sumang-ayun sa tinuran nang Pangulo sa kanyang talumpati. Ako ay isa sa nagbibigay pugay sa lakas nang loob nang Pangulo na ito ay sabihin sa harap ni Chief Justice Renato Corona na isa rin sa mga panauhin sa naturang Summit.



Ang derektang pagbatikos at pagpuna ni Pangulong Aquino sa mga nangyayari sa ating Korte Suprema ay nararamdaman din nang karamihan nang mga ordinaryong tao. Ang mga surveys at opinion sa Twitter at Facebook ay nagpapatunay na marami sa ating ay nagkakaisa at nararamdaman ang bawat salita na tinuran ni PNoy. Ito rin marahil ang bawat sigaw nang bawat Pilipino.

Ang ating mga korte ay dapat magising. Ito na ang realidad na nangyayari sa HUDIGATORA. Talamak na ang pambabastos at pambababoy sa mga batas. Talamak na ang pagbibinta sa mga TROs. Talamak na ang usaping 'Utang na loob'. Talamak na ang mga 'Hoodlums in Robe'! Kailangan nang kalusin!

May mga nagsasabing hindi yun ang tamang lugar o panahon na pasaringan o bastusin ang isang head nang co-equal branch nang gobyerno. Pero, para sa akin.. wala nang iba pang 'perfect' na lugar at panahon maliban doon sa National Criminal Justice Summit upang pag-usapan ang ganitong katiwalian sa Hustisya! Ang ginawa ni PNoy ay isang malaking panggising sa ating mahistrado!

And for that! He's The People's President!

Biyernes, Disyembre 2, 2011

Mo Twister Confession





"ITS 28TH OF JULY 2010, FIRST TIME IM DOING THIS. I DON'T EVEN KNOW WHY. UM, MAYBE ONE DAY YOU'LL WATCH THIS. JUST TO REMEMBER HOW HORRIBLE OF A DAY IT IS. YOURE IN SINGAPORE, YOU'VE BEEN CRYING ALL EVENING BECAUSE TOMORROW MORNING, YOU AND RHIAN WILL GO TO THE HOSPITAL HERE AND GET RID OUR BABY. IT DOESN'T MATTER NAMAN WHAT I THINK ABOUT IT BECAUSE THIS WAS HER CHOICE. I DON'T KNOW HOW LONG YOU'LL KEEP THIS AS A SOUVENIR, BUT THIS IS THE TEST. (WHISPER) THIS IS WRONG. THIS IS THE HARDEST THING (CRYING) THIS IS THE HARDEST THING YOU'VE GONE THROUGH BEFORE AND YOU'VE GONE THROUGH SO MUCH. AND WE HAVE TO BLAME OUR JOBS FOR THIS? THIS INDUSTRY THAT JUDGES YOU FOR THESE THINGS. THIS BUSINESS HAS MADE HER BELIEVE THAT WE HAVE TO TAKE THE LIFE OF OUR OWN CHILD BECAUSE NO ONE WILL FORGIVE HER FOR THIS. THAT THIS JOB WILL RUIN HER, SO WE AGREED THAT WE'D COME HERE AND GET IT DONE. BECAUSE YOU LOVE HER AND YOU JUST WANT HER TO BE OKAY. ITS NOT LIKE RHIAN IS HAVING AN EASY TIME WITH THIS TOO. ITS HARD ON ALL OF US. SHE SAID ONE DAY WE WILL SEE THIS AGAIN. AND MAYBE OUR JOBS WILL BE A LITTLE BIT EASIER AND MORE ACCEPTING ABOUT IT. ONE DAY YOU'LL LOOK AT THIS VIDEO, 20 YEARS FROM NOW, I DON'T EVEN KNOW IF YOU WILL STILL BE TOGETHER AND IT WILL STILL HURT. IT WILL STILL HURT LIKE HELL. (CRYING). YOU'LL BE SORRY FOR THIS YOUR WHOLE LIFE. I'LL BE SORRY FOR THIS MY WHOLE LIFE. IM SORRY FOR THE BAD CHOICE WE ARE ABOUT TO MAKE. ITS HARD FOR BOTH OF US. NOBODY WANTS TO DO THIS. I KNOW OTHER CELEBRITIES HAVE BEEN ABLE TO SUCCEED AFTER THIS PROBLEM, IF IT IS EVEN A PROBLEM, I DON'T KNOW IF IT'S A PROBLEM. BUT YOU KNOW, HER PARENTS ARE TOUGH ON HER. HER STATION, HER CHANNEL, HER MANAGER IS SO TOUGH ON HER THAT IT HAS MADE HER FEEL THAT HAVING THIS BABY, IS JUST NO OTHER OPTION. I KNOW RHIAN IS YOUNG. MAYBE ONE DAY WHEN WE'RE OLDER, WHEN SHE IS OLDER, THAT WE WONT HAVE TO GO THROUGH THIS. I DON'T BLAME HER. THE PRESSURE ON HER IS SO GREAT. THAT I KNOW SHE FEELS LIKE SHE HAS NO CHOICE. SO THIS IS NOT YOUR FAULT RHIAN. ITS NOT. I KNOW HOW HARD IT IS TO BE YOU IN HERE, IN THIS SITUATION. ITS JULY 28, 2010 AND IM SITTING INSIDE THE HOTEL. THE RITZ-CALRTON IS SINGAPORE AND WE'VE BEEN FIGHTING ALL NIGHT ABOUT THIS. IM DOING MY BEST TO TRY TO KEEP YOU SAFE. AND ALL THIS FIGHTING IS TAKING A TOLL ON US. I WISH WE COULD HAVE THIS CHILD. I DON'T WANT TO DO THIS. THIS JOB IS SO DIFFICULT. ITS SO DIFFICULT. IM SO SORRY. I'LL BE SORRY FOREVER. AGAIN, ONE DAY YOU'LL WATCH THIS. MAYBE WHEN YOURE AN OLD MAN. YOU'LL REMEMBER HOW DIFFICULT TODAY WAS. AND I HOPE YOU WATCH THIS AND I HOPE BY THAT TIME I'LL BE MARRIED AND I'LL HAVE A FAMILY THAT I CAN TRY TO MAKE IT UP TO. YOURE GOING TO DO SOMETHING REALLY WRONG TODAY. IM SORRY FOR THAT. THIS IS BUSINESS IS SO SO HARD. THIS BUSINESS IS SO HARD ON ITS EMPLOYEES. I GUESS ALL BUSINESSES ARE. I DON'T KNOW. ITS OUR FAULT I KNOW. WE CANT REALLY BLAME OUR JOBS BECAUSE OTHER PEOPLE DID IT. BUT UM, I UNDERSTAND - Mo Twister 






"Mo Twister and Hayden Kho are friends.. they both are accused of uploading videos about their ex'es... (Confession/sex video respectively). Both denied involvement in uploading. - if my memory serves me right, Mo was with Vicky Belo when Belo took the 'laptop' of Kho." #justsaying