My Marlon Stockinger

My Marlon Stockinger

Huwebes, Disyembre 15, 2011

Kultura - Kurapsyon



Mula pagkabata, naalala ko pa ang sinabi nang nanay ko na pumunta sa mga ninang at ninong ko para mamasko.. at sa aking pag-uwi ay madalas tinatanung ako nang lahat sa bahay kung ano at magkano ang nai-uwi ko.. madalas may mga kumento tulad nang “kuripot naman”..”mura lang yan”.. yan lang.. at kung ano-ano pa.. hindi ko tuloy maintindihan kung ano ba talaga ang kahulugan nang pasko at bakit kailangan akung mamasko..

Ngayon may edad na ako, doon ko lang naisip kung bakit..
Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming tao ang nagiging materyalestik .. ito marahil ang dahilan kung bakit ang kurapsyon ay laganap ngayon sa lipunan...

Kadalasan sa karamihan nang mga pamilya, sa oras nang binyagan,  ito ang kadalasan dahilan nang maraming magulang sa pag pili nang ninang at ninong nang mga anak nila. Yung mga mayayaman, may impluwensya sa lipunan, magarbo sa buhay.. ito ang kadalasang una sa listahan.. kaya marami sa atin ang higit sa sampu ang mga ninong at ninang..

Ngayon sa ating lipunan, nandyan na ang talamak na kurapsyon at pagsasamantala nang karamihan nang dahil lamang sa pera at kapangyarihan. araw-araw may makikita kang kurapsyon sa lipunan, mga drivers na umiipit nang 50 pesos sa lesensya sa tuwing mahuhuli sa kalsada, nandyan ang mga naghahanap nang kakilala sa mga tanggapan upang hundi na kailangan pumila, at kung ano-ano pa…



Paano kaya maalis ang kurapsyon sa pilipinas?.. e bahagi na ito nang ating araw-araw na pamumuhay?.. Pinapangunahan pa ito nang marami sa ating mga halal na politiko at kilalang mga personalidad,  kaya kadalasan ay sinusundan nang karamihan? paano nga ba?..

Naalala ko ang isang kumento sa king sinulat sa isa kung blog na mula sa isang dayuhan, isang taga singapore, ito ang sabi niya, “All Filipinos above 5 years old should be eliminated for their country to stop corruption and move anew”… napakabrutal, pero maaring siya ay may punto…
Paano nga ba mawala ang korapsyon sa ating bansa?…
Wala akung maisagot dito.. hindi ko alam.. ang alam ko lang ay mag-uumpisa ito sa akin, sa atin lahat.. sa pagbabago nang ating nakagawian..

Tungo sa pinangako nang ating presidente sa kasalukuyan.. Sa tuwid na daan… 

(first posted in kurokuro.org)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento